Paborito kong American TV Series ang
Game Of Thrones. Ilang ulit ko na ring binalikan ang mga nakaraang seasons
nito. Sa katunayan ay kakatapos ko lang
ulit panoorin ang season 3. At bigla na lang akong napaisip, tila may Game Of
Thrones din sa ating bansa.
Bagamat hindi Iron Throne ang
pinag-aagawan dito sa atin, parang parehong kapangyarihan lang din yun. Kahit
sabihin pang demokrasya ang pinapairal sa ating bansa. Umiiral nga ba? Ewan ko
lang. Kasi...
Kung ang TV Series na Game Of Thrones
ang mayroong mga Stark, Lannister, Baratheon, Baelish, Tyrell, Greyjoy,
Targaryen; ang Pilipinas naman ay mayroong Aquino sa pwesto at mga abangers na
Ejercito, Binay, Revilla, Marcos, Roxas, Villar at malamang may mga susulpot pa
makalipas ang ilang bwan o taon bago ang susunod na eleksyon. Wala lang, sawa
na kasi ako sa mga apelyido nila. Di ko naman sila ibinoto e. Nagkataon lang na
mas madami pa rin ang bumoboto sa kanila. Nakakaumay!
Minsan, naisip ko lang e. Kelan kaya
magkakaroon ng bago? O pagbabago hindi lang sa apelyido kundi pati sa
pamamalakad. Yung tipong tapat sa tao. Siguro kahit yun lang, muna e ok na.
Saka na dagdagan ng katalinuhan at galing. At least, hindi magnanakaw. Well,
may dalawang taon pa bago ang susunod na season ng Game Of Thrones sa
Pilipinas. Mas excited ako para sa Season 4 ng TV Series na ipapalabas na next
year.
Oops! Sandali lang. Mukhang pwede din
ang pulitika natin sa Walking Dead. Palagay nyo?
No comments:
Post a Comment