Pages

Monday, November 11, 2013

Yolanda Ph

Sa wakas, ako ay nakabalik ng ligtas mula sa isang lugar na walang internet connection. Kaya naman nang makaramdam ako ng internet connection sa paligid ay connect agad, basa-basa ng balita at eto, blog agad. Andami ko kasi gusto i-comment.

Una, punyeta! Yolanda! Yun lang. Punyeta talaga!


Pangalawa, comment ko para sa pangulo. Sabihan ba namang hindi handa ang mga taga-Tacloban. Ay #$%&*@! Kahit siguro palasyong tinataguan nya e kayang sirain ni punyetang Yolanda.

Pangatlo, naaawa ako. Nakakaawa talaga. Nakakaiyak tuwing makikinig ako ng balita. Naiiyak ako tuwing makakakita ng mga pictures ng mga pangyayari na kagagawan ni Yolanda.

Pangapat, nakakahiya. Sorry po. Pero nakakahiya yung nakita ko sa balita na pagnanakaw. Hindi ko po alam kung mahihiya ako dahil sa pagnanakaw o mahihiya ako dahil sa bagal ng pagdala ng mga relief goods para sa mga biktima ni Yolanda. Opo, naiintindihan na nagawa nilang magnakaw ng pagkain at tubig. Gutom na po ang mga kababayan natin. Pero nakakahiya lang na may nagnanakaw pa ng ilang gamit at pera. meron ba talagang dapat sisihin? O ganun lang talaga ugali nila? Sorry po. 


Panglima, may ilang super die-hard Iglesia Ni Cristo na naman ang ipinagmamalaking kapilya lang nila ang naiwabg nakatayo sa kabila ng malupit na bagyo. Ok. Malupet siguro engineer nun. Pero ano etong nabasa ko na hindi pala sila nagpatuloy ng ibang kababayan nila? Grabe! Kahit ba naman sa gantong pagkakataon e hindi pa pwedeng magtulungan na lang? Nasan ang mga medical mission??!! Punyeta! Kelangan ba ng relihiyon para maging mabuting tao??!! Kelangan ba kapareho ng relihiyon bago tulungan? Sa bagay, ganyan naman lahat ng relihiyon e. Lalo na sa gaya naming hindi naniniwala sa dyos. Pero proud ako. Kasi, alam ko sa sarili ko na madami kami na hindi kelangang magkaroon ng relihiyon para lang malaman kung ano ang tama at mali.

Pang-anim, sana naman po wag naman kurakutin yung mga relief goods. Magtulungan po tayo. Wag natin po hayaang magnakaw ang ating mga kababayan. Magnanakaw na po mga tao sa gobyerno natin, wag po natin sila gayahin.

Muli, paumanhin kung tinamaan kayo sa post na to. Bawi po tayo.

Wednesday, October 23, 2013

Million Mask March

Remember, remember, the 5th of November 
The Gunpowder Treason and plot;
I see of no reason why Gunpowder Treason
Should ever be forgot.

Bilang isang Pilipinong sawa na sa mga pangyayari sa paligid, nais ko lang makiisa sa isang pagtitipong ito. Gusto ko lang din sana kayong imbitahan. Hindi po ako ang nagpasimula nito. Nakita ko lang ito sa isang fanpage.

Tuesday, October 22, 2013

Game Of Thrones (Sa Pilipinas)

Paborito kong American TV Series ang Game Of Thrones. Ilang ulit ko na ring binalikan ang mga nakaraang seasons nito. Sa katunayan ay  kakatapos ko lang ulit panoorin ang season 3. At bigla na lang akong napaisip, tila may Game Of Thrones din sa ating bansa.

Bagamat hindi Iron Throne ang pinag-aagawan dito sa atin, parang parehong kapangyarihan lang din yun. Kahit sabihin pang demokrasya ang pinapairal sa ating bansa. Umiiral nga ba? Ewan ko lang. Kasi... 



Kung ang TV Series na Game Of Thrones ang mayroong mga Stark, Lannister, Baratheon, Baelish, Tyrell, Greyjoy, Targaryen; ang Pilipinas naman ay mayroong Aquino sa pwesto at mga abangers na Ejercito, Binay, Revilla, Marcos, Roxas, Villar at malamang may mga susulpot pa makalipas ang ilang bwan o taon bago ang susunod na eleksyon. Wala lang, sawa na kasi ako sa mga apelyido nila. Di ko naman sila ibinoto e. Nagkataon lang na mas madami pa rin ang bumoboto sa kanila. Nakakaumay!

Minsan, naisip ko lang e. Kelan kaya magkakaroon ng bago? O pagbabago hindi lang sa apelyido kundi pati sa pamamalakad. Yung tipong tapat sa tao. Siguro kahit yun lang, muna e ok na. Saka na dagdagan ng katalinuhan at galing. At least, hindi magnanakaw. Well, may dalawang taon pa bago ang susunod na season ng Game Of Thrones sa Pilipinas. Mas excited ako para sa Season 4 ng TV Series na ipapalabas na next year.

Oops! Sandali lang. Mukhang pwede din ang pulitika natin sa Walking Dead. Palagay nyo?

Saturday, October 19, 2013

Sembreak

Eto na naman ang panahong inaabangan ng mga estudyante, at eto din ang panahong nami-miss ko nung ako ay nag-aaral pa, ang sembreak. Natatawa lang ako. Nami-miss ko ang dalawang linggong bakasyon kahit pwede naman akong mag-leave. Nanghihinayang lang ako sa leave.

Habang nami-miss ko ang medyo mahabang bakasyon, naalala ko ang kantang ito na pinapatugtog ko noong dekada 90. Ang kantang "Sembreak" ng alamat na Eraserheads.



Nang pinakinggan kong muli ang kantang yan, hindi ko na na-miss ang sembreak. Promise! Kasi, mas na-miss ko na ang cutting classes na mahirap nang gawin ngayong ako ay nagtatrabaho na.

Wala lang. Ang sarap lang balikan ng buhay estudyante. Paalala lang, mag-aral mabuti. Pero wag kalimutang subukang mag-cutting class. Sinayang mo ang buhay estudyante mo kung di mo yun nagawa kahit minsan. Wag lang sobra at baka mapatalsik ka.

Friday, October 18, 2013

Away ng mga Tagasunod

Paumanhin po sa mga relihiyoso at relihiyosa. Ang post pong ito ay maaaring maka-offend sa inyo, pero gusto ko po lamang magbigay ng kumento. Pero bago po ang lahat, gusto ko lang pong ipaalam na ako ay isang katoliko dahil ako ay bininyagan at ang aking mga magulang ay katoliko. Sa makatuwid, katoliko akong literal. Pero sa paniniwala po, ako ay isang atheist. Hindi po ako naniniwala sa paniniwala ninyo pero iginagalang ko po ang inyong paniniwala.

Nitong nakaraan, alam naman siguro ng lahat na nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng isang medical mission sa Maynila. Ito ay tinuligsa ng ilan dahil na nagdulot ng napakabigat na daloy ng trapiko. Maswerte siguro ako na di ko iyon naranasan. Kasunod nito ay isang napakalakas na lindol sa ilang lalawigan sa Visayas lalo na sa Bohol na sumira sa napakaraming establisimento lalo na sa ilang makasaysayang simbahan ng mga katoliko sa araw mismo na may pagdiriwang ang mga Muslim.



Ang gusto ko pong bigyan ng kumento ay ang nagaganap na bangayan ng ilang myembro ng Iglesia Ni Cristo at mga Katoliko. May mga nagsasabi kasi na pinarusahan daw kaya sinira ang mga simbahan. Mawalang galang na po, pero gusto ko sanang itanong ito: May simbahan po ba ang Iglesia Ni Cristo na kasing tanda ng mga nasirang simbahan ng mga Katoliko sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol? Kung meron man po, malamang ay isa iyon sa mga gumuho.

Hiling ko lang po, sana ay matigil na ang ganoong pag-iisip ng mga Pilipino o ng kahit na sinong tao. Sana, pag may kalamidad, kalimutan na muna ang pagkakaiba ng mga paniniwala. Para po kasi sa akin, hindi kayang itayo ang mga gumuhong gusali at simbahan sa pamamagitan ng dasal. Pagkakaisa po ang kailangan.

Respeto po. At paumanhin na din kung may na-offend man sa post kong ito. Ayoko po makipag-away lalo na kung may kinalaman na sa paniniwala. Bangon po tayo mga kapwa Pilipino sa mga trahedya. Resbak po tayo. Tapos, muli nating ipagpatuloy ang laban sa kurapsyon. Kaya po natin ito.